Customer Support

master

Bahay Kubo

Bahay-kubo, kahit munti Ang halaman doon ay sari-sari Singkamas at talong Sigarilyas at mani Sitaw, bataw, patani Kundol, patola, upo't kalabasa At tsaka mayro'n pang Labanos, mustasa Sibuyas, kamatis, bawang at luya Sa paligid-ligid ay puno ng linga Bahay-kubo, kahit munti Ang halaman doon ay sari-sari Singkamas at talong Sigarilyas at mani Sitaw, bataw, patani Kundol, patola, upo't kalabasa At tsaka mayro'n pang Labanos, mustasa Sibuyas, kamatis, bawang at luya Sa paligid-ligid ay puno ng linga Sa paligid-ligid ay puno ng linga

Leron Leron Sinta

Leron, leron sinta Buko ng papaya, Dala-dala'y buslo, Sisidlan ng sinta, Pagdating sa dulo'y Nabali ang sanga Kapos kapalaran, Humanap ng iba. Gumising ka, Neneng, Tayo'y manampalok, Dalhin mo ang buslong Sisidlan ng hinog. Pagdating sa dulo'y Lalamba-lambayog, Kumapit ka, neneng, Baka ka mahulog. Leron, leron sinta Buko ng papaya, Dala-dala'y buslo, Sisidlan ng sinta, Pagdating sa dulo'y Nabali ang sanga Kapos kapalaran, Ang ibigin ko'y Lalaking matapang, Ang baril nya'y pito, Ang sundang nya'y siyam Ang lalakarin nya'y Parte ng dinulang Isang pinggang pansit Ang kanyang kalaban. Leron, leron sinta Buko ng papaya, Dala-dala'y buslo, Sisidlan ng sinta, Pagdating sa dulo'y Nabali ang sanga Kapos kapalaran, Humanap ng iba